Binance P2P: Bumili/Magbenta ng Iyong Crypto sa Iyong Lokalidad

Ang palitang Peer-to-peer (o P2P exchange) ay isang pamilihan kung saan puwedeng mag-trade ng crypto ang mga tao nang direkta sa bawat isa sa kanilang mga sariling tuntunin, sa halos kahit anong bansa.

P2P Account

Mabilisan

Bumili
Magbenta

USDT

BTC

BUSD

BNB

ETH

DOGE

DAI

Halaga
CNY
Fiat
Bayad
Huwag muna ngayon
5s upang mag-refresh
10s upang mag-refresh
20s upang mag-refresh
Mga Bentahe ng Palitang P2P
Mababang gastos sa mga bayad sa transaksyon
Dahil isang simpleng platform ang palitang P2P, ang mga overhead na gastos ay napakaliit para sa mga mamimili at nagbebenta.
Sa Binance P2P, walang bayarin sa pag-trade na sisingilin mula sa mga taker, habang ang mga maker ay sisingilin ng isang maliit na halaga ng bayarin sa transaksyon sa bawat nakumpletong order. Nangangako kaming ilalapat ang pinakamababang bayarin sa transaksyon sa P2P sa lahat ng merkado.
Mga flexible na paraan ng pagbabayad
Binibigyan ng mga palitang peer-to-peer ang mga nagbebenta ng kalayaang tukuyin kung paano nila gustong mabayaran.
Sa Binance P2P, puwede kang bumili at magbenta ng crypto gamit ang higit sa 150 paraan ng pagbabayad, kabilang ang bank transfer, cash, PayPal, M-Pesa at maraming iba't ibang e-wallet.
Mag-trade sa iyong mga gustong presyo
Ang mga palitang peer-to-peer ay nagbibigay sa mga user ng kalayaang mag-trade ng crypto sa mga gusto nilang presyo.
Sa Binance P2P, magagawa mo hindi lang ang bumili o magbenta ng crypto mula sa mga kasalukuyang alok, puwede ka ring gumawa ng iyong mga trade advertisement para itakda ang iyong sariling mga presyo.
Proteksyon para sa iyong privacy
Hindi tulad ng credit card o bank transfer, ang palitang peer-to-peer ay hindi mangongolekta ng impormasyon tungkol sa mga mamimili at nagbebenta.
Puwede kang bumili ng Bitcoin gamit ang cash sa Binance P2P at hindi mo kailangang gumamit ng anumang bank account o online wallet para gumawa ng isang crypto-fiat na transaksyon.
Mga FAQ
Baguhan
Advanced
Mga Advertiser
Paano bumili ng cryptocurrency sa Binance P2P

Matapos mong makumpleto ang pag-verify sa pagkakakilanlan at idagdag ang iyong mga paraan ng pagbabayad, handa ka nang bumili ng crypto sa platform ng Binance P2P. Una, pumili mula sa lahat ng available na alok sa pamilihan. Pangalawa, maglagay ng order para bilhin ang iyong crypto, at bayaran ang nagbebenta batay sa gustong paraan ng pagbabayad. Panghuli, kunin ang iyong crypto mula sa nagbebenta pagkatapos mong makumpleto ang transaksyon ng fiat at kumpirmahin ang iyong pagbabayad sa Binance P2P.

Ano ang mga disbentahe ng palitang P2P?
Ang palitang P2P ay may mga disbentahe rin - ang mas mahabang tagal ng pag-trade, karanasan ng user na hindi kasindali, at mas mababang liquidity ay ilan sa kanilang mga komparatibong disbentahe. Ang mas mababang dami ng pag-trade ay dahil sa di hamak na mas maliliit na user base at mas mahahabang siklo ng deal kaysa sa mga regular na palitan ng cryptocurrency
Paano magbenta ng cryptocurrency sa Binance P2P

Puwede kang magbenta ng mga cryptocurrency sa platform ng Binance P2P, mabilis at ligtas! Una, mag-browse para sa crypto na gusto mong ibenta at maghanap ng pinakamahuhusay na alok mula sa ibang mga user. Para maglagay ng order, kailangan mo munang ilagay ang mga cryptocurrency na gusto mong ibenta sa P2P wallet na bahagi ng iyong account.

Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili laban sa pandaraya? Binance P2P Escrow FTW!

Bilang isa sa ilang pag-iingat na inilalapat sa platform, ang Binance P2P ay may mekanismo ng paghawak para sa mga pondo ng crypto na sangkot sa anumang nakabinbing transaksyon. Pinipigilan ng mekanismong ito ang mga insidente ng pagnanakaw o scam sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isa pang antas ng tiwala, na pumipigil sa mga may masasamang hangarin na nakawin ang iyong pera o crypto nang hindi nakukumpleto ang kanilang bahagi ng trade.Matuto pa .